Posts Tagged ‘kasal’
paano ako?
Posted on: August 8, 2008
ang hirap na wala kang katuwang at wala mapagsabihan ng iyong nararamdaman, madami kang kaibigan, buo ang pamilya, madami pwede pagkatiwalaan pero mas ninais mo na lang solohin ang lahat ng ito para sa kapakanan ng damdamin ng iba! at higit sa lahat sarili mo rin ang mas nakakanuwa ng iyong sariling damdamin ! bakit pag ang tao mahal mo kahit mahirapan ka, maghintay ng matagal ayos lang kase mahal mo? katangahan ba maiituring ang ganito? minsan hindi ka sigurado kung may hinahantay ka na pangako, kung ihaharap ka nga ba nya sa dambana pagdating ng panahon o itong pangako na ito ay mananatili na lang na isang pangako? pero pag sinabihan ka naman nya na matamis na salita na ganito ” mahal na mahal kita” halos bumigay na ang tuhod mo, tumatalon pa ang puso mo sa tuwa sa kanyang ipinahiwatig na pagmamahal! bakit ganun kahit sarili damdamin mo minsan hindi mo rin maunawaan? hindi pala maiikonsidera na ang tagal ng pagsasama ay ito na nga ito! this is it! hindi pala! madami pa pwede mangyari! pero hindi mo alam kung ano pa pwede mangyari, pero ito na ang buong buhay mo at buong mundo mo! magulo komplikado! madami umaasa sa kanya! buhay pa ang magulang nya, may edad na kaya wala na hanap buhay! kaya heto si mahal ko todo kayod hindi para sa amin kung di para sa isa nya kapatid para mapag aral ito at may pangtustos sa pangangailan nila upang mabuhay … ninais din sumuko minsan pero sabi ko hindi dapat! ang sakripisyo nya ito ay hindi nya ginagawa para sa obligasyon bagkus dahil mahal nya ang mga ito at marunong sya magsakripisyo ng sarili kaligayahan para sa pamilya, kaligayahan nga namin ang nakataya pero hidni naman namin kaya na lumigaya na hirap ang iba!
Recent Comments