Fairyprincess04’s Weblog

Archive for the ‘Uncategorized’ Category

Paano ko nga ba sisimulan ang blog ko na ito?  sa bawat araw na dumadaan hindi ko alam kung masaya ba ako, malungkot o ano? minsan mas lamang pa yung sakit na dulot ng mga salitang lampasan,  mula pa sa tao na hindi mo aakalain na magbibitaw ng mga ganun kasakit na kataga, pilitin mo man hindi indahin ang mga salita na ito, pero parang alingawngaw na pilit na gusto ipakinig at magbalikbalik , walang direksyon, paulit-ulit. minsan , madalas, para ako nalugi… nalugi…. saan nga ba? pera !!! naku !!! hindi… lugi ako sa pag-ibig! pag-ibig na pilit ko inililimos sa aking ina. wari ko pagod na sya sa akin, kase ngayon pa lang tinatapos na nya ang obligasyon nya sa akin bilang anak nya, napagtapos na daw nya ko ng pag aaral kaya hayun… heto,,…  kahit na wala pa ako asawa at sariling pamilya… tinutuldukan na nya ang relasyon namin bilang mag -ina, ang sakit sa kabila ng lahat ng pagmamahal ko sa kanya hindi nya ako magawang limusan ng kahit na kaunti, ni minsan na nakatapos na ko sa pag-aaral ko hindi ko narinig sa kanya na ipinagmalaki nya ako! hindi tulad ng mga kapatid ko na titulado na palagi nya bukang bibig. paborito! ang sakit na maituring ka ng sarili mo ina ng ganito. wala na siguro mas hahapdi pa … wala na mas sasakit pa  !

Tags: , , ,
ito lang ... ito lang ang hinahanap ko

ito lang ... ito lang ang hinahanap ko

nabasa ko ang blog ng kuya ko., sa blog nya andun yun sakit na dulot ng kahapon, pangungulila sa ina… andun ang bawat kataga at bugso ng kanyang pagmamahal para sa kanya . bakit nga ba nung bata pa ako alam ko at ramdam ko na mahal na mahal ako ng nanay ko, pero bakit ngayon parang kulang na lang eh palayasin na nya ako sa tahanang ito na itinuring ko na paraiso sa pagkabata ko. dahil ba lahat sila titulado , may sinabi sa edukasyon na kanilang tinapos, dahil ba doctor na at nurse na ang kapatid ko . ako graduate ng college pero wala ako masasabi na nakapasa ko sa boards dahil ang course ko naman ay walang board exam, . akala ko paraiso na ang pamilya namin, masaya kami kahit di kami mayaman, hindi naman kami hikahos pero bakit ganun… pabigat na ata ako,,, ako nag tratabaho ako sa kanila ng walang sweldo, nag nenegosyo ako at pinagsasabay ang pagkayod para makatulong sa kanila pero bakit ganun,,, mga salita bibibitawan nya sa akin.. ng aking Ina parang hindi na nya ako mahal., masakit , ang hapdi, parang ang anak lang nya ay ang mga kapatid ko, ngayon pa lang tinatapos na nya ang obligasyon nya sa akin bilang Ina ko, hindi ako naungot ng kahit na ano pera ang hinihingi ko lang ay pagmamahal na katulad ng mga bata pa kami ay binibigay nya sa akin, ito lang naman blog na ito ang kakampi ko, dito ko iniiyak, inilalabas ang lahat ng emosyon na nararamdaman ko.

Tags:

meron nga ba talaga perfect time…. perfect day? wala naman daw talaga perfect . pero may tinatawag na right time, right moment. pero sa ngayonm yun na lang siguro ang inaantay namin, tamang pagkakataon at panahon. pagka wala ka talaga pera mahirap kumibo,. mahirap magtrabaho, mamuhunan sa negosyo, mag propose sa kasal atbp, . ang makaipon para sa kinabukasan ang pangunahing target ko ngayog taong ito. makatulong sa aking pamilya, makasama ang mahal ko at makapag buo ng pamilya na matatawag ko amin , akin talaga. masarap kumayod pag ka ganito inspirado ka para sa mga mahal mo sa buhay at para na rin sa sarili. hindi na ako bata para maghintay na lang ng grasya mula sa langit , may grasya naman dumadating pero hindi naman kailang nililimos lang ang lahat na ito. sa aking pagkaka tulog ng matagal, bigla ako nagising na may ngiti na sa labi sa realisasyon na ang aking matagal na kasintahan ay mahal pa rin talaga ako, hindi pala ako nag iisa na nangangarap para sa amin kinabukasan, ayaw naman nya na magsama na lang kami ng walang kasalang nagaganap, gusto nya ko iharap sa dambana na malinis at pangakuan na hanggang sa huli kami pa rin kamatayan lang ang makapag hiwalay sa amin, masarap ang ganito feeling na espesyal ka at talagang minamahal ng taong mahal mo. maraming salamat !

ang hirap na wala kang katuwang at wala mapagsabihan ng iyong nararamdaman, madami kang kaibigan, buo ang pamilya, madami pwede pagkatiwalaan pero mas ninais mo na lang solohin ang lahat ng ito para sa kapakanan ng damdamin ng iba! at higit sa lahat sarili mo rin ang mas nakakanuwa ng iyong sariling damdamin ! bakit pag ang tao mahal mo kahit mahirapan ka, maghintay ng matagal ayos lang kase mahal mo? katangahan ba maiituring ang ganito? minsan hindi ka sigurado kung may hinahantay ka na pangako, kung ihaharap ka nga ba nya sa dambana pagdating ng panahon o itong pangako na ito ay mananatili na lang na isang pangako? pero pag sinabihan ka naman nya na matamis na salita na ganito ” mahal na mahal kita” halos bumigay na ang tuhod mo, tumatalon pa ang puso mo sa tuwa sa kanyang ipinahiwatig na pagmamahal! bakit ganun kahit sarili damdamin mo minsan hindi mo rin maunawaan? hindi pala maiikonsidera na ang tagal ng pagsasama ay ito na nga ito! this is it! hindi pala! madami pa pwede mangyari! pero hindi mo alam kung ano pa pwede mangyari, pero ito na ang buong buhay mo at buong mundo mo! magulo komplikado! madami umaasa sa kanya! buhay pa ang magulang nya, may edad na kaya wala na hanap buhay! kaya heto si mahal ko todo kayod hindi para sa amin kung di para sa isa nya kapatid para mapag aral ito at may pangtustos sa pangangailan nila upang mabuhay … ninais  din sumuko minsan pero sabi ko hindi dapat! ang sakripisyo nya ito ay hindi nya ginagawa para sa obligasyon bagkus  dahil mahal nya ang mga ito at marunong sya magsakripisyo ng sarili kaligayahan para sa pamilya, kaligayahan nga namin ang nakataya pero hidni naman namin kaya na lumigaya na hirap ang iba!

ano ba ang aking hinahahanap? bakit ganun parang laging may kulang ? bakit ganito ang nararamdaman ko? hanggang kailan kaya ako ganito? sana matapos na ito. hanggang kailan ko ba hahantayin ang tamis ng iyong pangako? sa mga yakap mo na lang ba ako makokontento ? sa bawat tick tack ng orasan  parang gusto ko na higitin ang araw na maging gabi… bakit palagi na lang ganito ang mundo ginagagalawan ko? pangunahing hadlang sa kaligayahan ng tao ang pera… pag wala ka nito magugutom ka, di makakapag aral sa maganda paaralan , ano pa ba? sa akin naman di ko makamit ang aking pangarap! ang matamis na pangako ng aking mahal na makasal na kami… palagi sagot sa mga useserong mga dila na nag iipon pa…. ka ekekan kase hanggang ngayon ganun pa rin kami ipon pa rin… may mga mayaman na halos humiga lang sa kaban ng kayamanan nila di alam kung saan ilalalagay ang yaman nila, kung maari nga lang ba humingi sa kanila ng grasya gagawin ko makasama ko na ang mahal ko!

Tags:

pag ang lalake ba ay umiiyak ito ba ay nagpapahiwatig na bakla sila at mahina?  isang diwang lumalaro sa isip ko! ako kase umiiyak ako kapag nasasaktan ako, nahihirapan ako. kase pag hindi ko ginawa ito baka mamatay ako ng maagap dahil sa puputok na ang puso ko! madami nagsasabi na ang lalake kapag umiiyak eh sila ay mahina at nababawasan ang pagkalalake nila. para sa akin sariling pananaw eh parang napakababaw naman ng tao na kumosindera na kahinaan at kabaklaan ang umiyak , sa isang palabas na aking napanood… ang bidang lalake dun umiiyak sya, pinapakita nya ang bigat ng emosyon na nararamdaman nya, kwentong pag-ibig ang tinakbo ng istorya, pinakita nya ang kanyang emosyon sa babaeng pinakamamahal nya, sabi nya eh ganito” I cry because if I don’t I will explode like a bomb” ,  nagpakatotoo sya sa sarili nya, hindi nya ikinukubli ang bigat at sakit ng nararamdaman nya,  masarap ang magpakatotoo at hindi yung ego ng pagkalalake ang pinapaiiral , hindi naman siguro masama ang makitaan ka ng luha sa mga mata paminsan minsan, maging totoo sa mga tao at sa sarili yun ang pinaka mahalaga sa isang katauhan ng isang tao. wala na siguro mas sasaya pa sa isang tao na kilala ang tunay na sya at hindi nabubuhay sa sasabihin ng ibang tao sa kanya.

Tags:

walang araw at gabi na nagdaan na hindi ko alam kung saan ako pupunta, ano dapat ko gawain, paano ko kakalimutan ang lahat? bakit ganito ang  mga nangyayari? ganito siguro kase ito ang ginusto ko at hinayaan mangyari.! nasa mga kamay ko naman kung saan direksyon ko papatunguhin ang buhay ko. kung sa kaliwa ba o sa kanan,  alam ko naman sa sarili ko kung ano ang tama sa mali. … pero pag minsan kahit alam mo na mas masarap gawin ang mali kase mas madali. pero nagising na ako sa bangungot na kinahumalingan ko. eto ako nakaupo patuloy na nagsusulat para maibahagi ang mga karanasan ng aking buhay na sana  sa pamamagitan nito may magising na sa mahimbing na pagkakatulog sa kahapon. kung masakit na karanasan ang dinanas mo sa iyong buhay pilit mo ito tanggapin na andyan na yan eh… di na mabubura! sa halip na isipin natin ng isipin mas mainam na gawin na lang natin ito inspirasyon na sa bawat pait ng kahapon may saya naman kapalit nito… sa pagkawala ng isa may darating na dalawa. matuto lang maghintay na hilumin ng panahon ang bawat sakit na dinadanas … trust God and have faith in Him.

Tags: , ,

napakadaming bilang ng tao na kapag may poblema sa bote ibinubulong ang problema nito. uhaw sa alak kapag may poblema tama ba ? bakit ganun ano kabutihan ba maidudulot nito sa tao? panandalian pagkalimot lang kase masakit na ulo at nagsusuka ka na dahil sa kalasingan. lumalakas nga ba ang loob na magsabi ng problema kapag lasing na? parang ang sarap magpaka lungangi sa kalasingan para pandalian ka makalimot at maging ektensyon mo eto ng paglalabas ng umaalpas na sakit at bigat ng damdamin. kakampi ba talaga natin ito kapag may problema ? siguro nga maari din kahit hindi man totoo? masarap nga siguro? alam ko na ang sagot sa sarili ko tanong. putcha di naman ako ipinanganak kahapon pero gusto ko pa rin itulpok dito at ipost sa blog ko. sabi ng ,madami alak kakampi nila at hingahan nila kapag lugmok ang damdamin sa problema, wala naman masama mag inom pero kapag sobra na aba teka! lahat ng sobra eh masama! alak…. uhaw na…. miss ka na nila …. ako parang gusto ko akapin ka na rin … inumin … uhaw na rin ako !

too drunk ... to much

too drunk ... too much

Bakit ganito? Bakit ganyan? Bakit ganun? Bakit nagbago ka? Ang dami bakit… ang dami ko tanong pero ewan ko hirap at ang sakit malaman ang sagot sa bawat tanong na pilit gusto malaman ng puso at isip ko kahit gaano kasakit ang malaman ang katotohanan. Masarap sa pakiramdam ang mahalin ka at magmahal ka. Pero ang masaklap yung nagmamahal ka na halos siya na ang buong mundo mo pero pagod na sya , umay na . sa bilang na eto mula … isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim teka aabot pa kaya sa pito? Hindi pala batayan ang haba ng panahon na pinagsamahan. Ibinigay mo na ang lahat – lahat sa pag aakala na sa pagdating ng panahon ay magkasama kayo yayapusin ang pangarap na handog ng bukas. Mas masakit yung maramdaman mo na ikaw na lang bumubuo nito. Solo ka na pala walang katuwang sa pangarap na pilit mo inaabot ngunit gumuho din dahil wala pala ang haligi nito. Kahit walang salita na mumutawi sa mga labi mas ramdam ng puso na marunong dumama ng sakit at hapdi na dulot ng pananahimik. Pilit mo inuunawa ang kanyang estado … madami obligasyon sa pamilya . pag palagay na pero sapat ba na batayan na ipadama sa’yo na putot ka sa listahan ng prayoridad nito, o mas tama na malaman mo kung oo o hindi ang sagot… kung kasama ka nga ba sa listahan nito? Sa pakiramdam mo ginagawa niya lang ang isang bagay dahil sa may obligasyon siya sa’yo hindi bilang asawa, hindi bilang kaibigan, kung di dahil sa mata ng madla na nakakaalam na kayo ay mag katipan. Maigi na lang at hindi pa humaharap sa dambana ang pagmamahalang sa una ay kay saya-saya at akala ng iba ay perpektong nagsasama. Buti pa nga nung bata pa ako masaya… walang problema! Di pa nakakadama ng ibat-ibang emosyon na halos mabaliw sa sakit na nagpalutang ng isip na halos madisgrasyang sasakyang halos humaharurot sa daan sa kawalan ng direksyon at kalituhan kung saan pupunta at kung ano ang naghihintay sa bukas na walang kasiguraduhan na may kasama ka haharap sa pag hamon nito.

Tags:

January 2026
M T W T F S S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

Recent Comments

ifoundme's avatarifoundme on yakap
roan mendoza's avatarroan mendoza on ewan
michael's avatarmixglorioso on ewan
emoboyblue's avataremoboyblue on ewan

Blog Stats

  • 415 hits
Design a site like this with WordPress.com
Get started