Archive for September 2008
a penny for my thoughts
Posted on: September 22, 2008
Paano ko nga ba sisimulan ang blog ko na ito? sa bawat araw na dumadaan hindi ko alam kung masaya ba ako, malungkot o ano? minsan mas lamang pa yung sakit na dulot ng mga salitang lampasan, mula pa sa tao na hindi mo aakalain na magbibitaw ng mga ganun kasakit na kataga, pilitin mo man hindi indahin ang mga salita na ito, pero parang alingawngaw na pilit na gusto ipakinig at magbalikbalik , walang direksyon, paulit-ulit. minsan , madalas, para ako nalugi… nalugi…. saan nga ba? pera !!! naku !!! hindi… lugi ako sa pag-ibig! pag-ibig na pilit ko inililimos sa aking ina. wari ko pagod na sya sa akin, kase ngayon pa lang tinatapos na nya ang obligasyon nya sa akin bilang anak nya, napagtapos na daw nya ko ng pag aaral kaya hayun… heto,,… kahit na wala pa ako asawa at sariling pamilya… tinutuldukan na nya ang relasyon namin bilang mag -ina, ang sakit sa kabila ng lahat ng pagmamahal ko sa kanya hindi nya ako magawang limusan ng kahit na kaunti, ni minsan na nakatapos na ko sa pag-aaral ko hindi ko narinig sa kanya na ipinagmalaki nya ako! hindi tulad ng mga kapatid ko na titulado na palagi nya bukang bibig. paborito! ang sakit na maituring ka ng sarili mo ina ng ganito. wala na siguro mas hahapdi pa … wala na mas sasakit pa !
my thoughts
Posted on: September 19, 2008
nabasa ko ang blog ng kuya ko., sa blog nya andun yun sakit na dulot ng kahapon, pangungulila sa ina… andun ang bawat kataga at bugso ng kanyang pagmamahal para sa kanya . bakit nga ba nung bata pa ako alam ko at ramdam ko na mahal na mahal ako ng nanay ko, pero bakit ngayon parang kulang na lang eh palayasin na nya ako sa tahanang ito na itinuring ko na paraiso sa pagkabata ko. dahil ba lahat sila titulado , may sinabi sa edukasyon na kanilang tinapos, dahil ba doctor na at nurse na ang kapatid ko . ako graduate ng college pero wala ako masasabi na nakapasa ko sa boards dahil ang course ko naman ay walang board exam, . akala ko paraiso na ang pamilya namin, masaya kami kahit di kami mayaman, hindi naman kami hikahos pero bakit ganun… pabigat na ata ako,,, ako nag tratabaho ako sa kanila ng walang sweldo, nag nenegosyo ako at pinagsasabay ang pagkayod para makatulong sa kanila pero bakit ganun,,, mga salita bibibitawan nya sa akin.. ng aking Ina parang hindi na nya ako mahal., masakit , ang hapdi, parang ang anak lang nya ay ang mga kapatid ko, ngayon pa lang tinatapos na nya ang obligasyon nya sa akin bilang Ina ko, hindi ako naungot ng kahit na ano pera ang hinihingi ko lang ay pagmamahal na katulad ng mga bata pa kami ay binibigay nya sa akin, ito lang naman blog na ito ang kakampi ko, dito ko iniiyak, inilalabas ang lahat ng emosyon na nararamdaman ko.
kelan ang right moment?
Posted on: September 7, 2008
meron nga ba talaga perfect time…. perfect day? wala naman daw talaga perfect . pero may tinatawag na right time, right moment. pero sa ngayonm yun na lang siguro ang inaantay namin, tamang pagkakataon at panahon. pagka wala ka talaga pera mahirap kumibo,. mahirap magtrabaho, mamuhunan sa negosyo, mag propose sa kasal atbp, . ang makaipon para sa kinabukasan ang pangunahing target ko ngayog taong ito. makatulong sa aking pamilya, makasama ang mahal ko at makapag buo ng pamilya na matatawag ko amin , akin talaga. masarap kumayod pag ka ganito inspirado ka para sa mga mahal mo sa buhay at para na rin sa sarili. hindi na ako bata para maghintay na lang ng grasya mula sa langit , may grasya naman dumadating pero hindi naman kailang nililimos lang ang lahat na ito. sa aking pagkaka tulog ng matagal, bigla ako nagising na may ngiti na sa labi sa realisasyon na ang aking matagal na kasintahan ay mahal pa rin talaga ako, hindi pala ako nag iisa na nangangarap para sa amin kinabukasan, ayaw naman nya na magsama na lang kami ng walang kasalang nagaganap, gusto nya ko iharap sa dambana na malinis at pangakuan na hanggang sa huli kami pa rin kamatayan lang ang makapag hiwalay sa amin, masarap ang ganito feeling na espesyal ka at talagang minamahal ng taong mahal mo. maraming salamat !

Recent Comments