Archive for August 2008
paano ako?
Posted on: August 8, 2008
ang hirap na wala kang katuwang at wala mapagsabihan ng iyong nararamdaman, madami kang kaibigan, buo ang pamilya, madami pwede pagkatiwalaan pero mas ninais mo na lang solohin ang lahat ng ito para sa kapakanan ng damdamin ng iba! at higit sa lahat sarili mo rin ang mas nakakanuwa ng iyong sariling damdamin ! bakit pag ang tao mahal mo kahit mahirapan ka, maghintay ng matagal ayos lang kase mahal mo? katangahan ba maiituring ang ganito? minsan hindi ka sigurado kung may hinahantay ka na pangako, kung ihaharap ka nga ba nya sa dambana pagdating ng panahon o itong pangako na ito ay mananatili na lang na isang pangako? pero pag sinabihan ka naman nya na matamis na salita na ganito ” mahal na mahal kita” halos bumigay na ang tuhod mo, tumatalon pa ang puso mo sa tuwa sa kanyang ipinahiwatig na pagmamahal! bakit ganun kahit sarili damdamin mo minsan hindi mo rin maunawaan? hindi pala maiikonsidera na ang tagal ng pagsasama ay ito na nga ito! this is it! hindi pala! madami pa pwede mangyari! pero hindi mo alam kung ano pa pwede mangyari, pero ito na ang buong buhay mo at buong mundo mo! magulo komplikado! madami umaasa sa kanya! buhay pa ang magulang nya, may edad na kaya wala na hanap buhay! kaya heto si mahal ko todo kayod hindi para sa amin kung di para sa isa nya kapatid para mapag aral ito at may pangtustos sa pangangailan nila upang mabuhay … ninais din sumuko minsan pero sabi ko hindi dapat! ang sakripisyo nya ito ay hindi nya ginagawa para sa obligasyon bagkus dahil mahal nya ang mga ito at marunong sya magsakripisyo ng sarili kaligayahan para sa pamilya, kaligayahan nga namin ang nakataya pero hidni naman namin kaya na lumigaya na hirap ang iba!
yakap
Posted on: August 6, 2008
ano ba ang aking hinahahanap? bakit ganun parang laging may kulang ? bakit ganito ang nararamdaman ko? hanggang kailan kaya ako ganito? sana matapos na ito. hanggang kailan ko ba hahantayin ang tamis ng iyong pangako? sa mga yakap mo na lang ba ako makokontento ? sa bawat tick tack ng orasan parang gusto ko na higitin ang araw na maging gabi… bakit palagi na lang ganito ang mundo ginagagalawan ko? pangunahing hadlang sa kaligayahan ng tao ang pera… pag wala ka nito magugutom ka, di makakapag aral sa maganda paaralan , ano pa ba? sa akin naman di ko makamit ang aking pangarap! ang matamis na pangako ng aking mahal na makasal na kami… palagi sagot sa mga useserong mga dila na nag iipon pa…. ka ekekan kase hanggang ngayon ganun pa rin kami ipon pa rin… may mga mayaman na halos humiga lang sa kaban ng kayamanan nila di alam kung saan ilalalagay ang yaman nila, kung maari nga lang ba humingi sa kanila ng grasya gagawin ko makasama ko na ang mahal ko!
luha
Posted on: August 1, 2008
pag ang lalake ba ay umiiyak ito ba ay nagpapahiwatig na bakla sila at mahina? isang diwang lumalaro sa isip ko! ako kase umiiyak ako kapag nasasaktan ako, nahihirapan ako. kase pag hindi ko ginawa ito baka mamatay ako ng maagap dahil sa puputok na ang puso ko! madami nagsasabi na ang lalake kapag umiiyak eh sila ay mahina at nababawasan ang pagkalalake nila. para sa akin sariling pananaw eh parang napakababaw naman ng tao na kumosindera na kahinaan at kabaklaan ang umiyak , sa isang palabas na aking napanood… ang bidang lalake dun umiiyak sya, pinapakita nya ang bigat ng emosyon na nararamdaman nya, kwentong pag-ibig ang tinakbo ng istorya, pinakita nya ang kanyang emosyon sa babaeng pinakamamahal nya, sabi nya eh ganito” I cry because if I don’t I will explode like a bomb” , nagpakatotoo sya sa sarili nya, hindi nya ikinukubli ang bigat at sakit ng nararamdaman nya, masarap ang magpakatotoo at hindi yung ego ng pagkalalake ang pinapaiiral , hindi naman siguro masama ang makitaan ka ng luha sa mga mata paminsan minsan, maging totoo sa mga tao at sa sarili yun ang pinaka mahalaga sa isang katauhan ng isang tao. wala na siguro mas sasaya pa sa isang tao na kilala ang tunay na sya at hindi nabubuhay sa sasabihin ng ibang tao sa kanya.
salamat
Posted on: August 1, 2008
walang araw at gabi na nagdaan na hindi ko alam kung saan ako pupunta, ano dapat ko gawain, paano ko kakalimutan ang lahat? bakit ganito ang mga nangyayari? ganito siguro kase ito ang ginusto ko at hinayaan mangyari.! nasa mga kamay ko naman kung saan direksyon ko papatunguhin ang buhay ko. kung sa kaliwa ba o sa kanan, alam ko naman sa sarili ko kung ano ang tama sa mali. … pero pag minsan kahit alam mo na mas masarap gawin ang mali kase mas madali. pero nagising na ako sa bangungot na kinahumalingan ko. eto ako nakaupo patuloy na nagsusulat para maibahagi ang mga karanasan ng aking buhay na sana sa pamamagitan nito may magising na sa mahimbing na pagkakatulog sa kahapon. kung masakit na karanasan ang dinanas mo sa iyong buhay pilit mo ito tanggapin na andyan na yan eh… di na mabubura! sa halip na isipin natin ng isipin mas mainam na gawin na lang natin ito inspirasyon na sa bawat pait ng kahapon may saya naman kapalit nito… sa pagkawala ng isa may darating na dalawa. matuto lang maghintay na hilumin ng panahon ang bawat sakit na dinadanas … trust God and have faith in Him.
Recent Comments