Posted by: fairyprincess04 on: August 1, 2008
walang araw at gabi na nagdaan na hindi ko alam kung saan ako pupunta, ano dapat ko gawain, paano ko kakalimutan ang lahat? bakit ganito ang mga nangyayari? ganito siguro kase ito ang ginusto ko at hinayaan mangyari.! nasa mga kamay ko naman kung saan direksyon ko papatunguhin ang buhay ko. kung sa kaliwa ba o sa kanan, alam ko naman sa sarili ko kung ano ang tama sa mali. … pero pag minsan kahit alam mo na mas masarap gawin ang mali kase mas madali. pero nagising na ako sa bangungot na kinahumalingan ko. eto ako nakaupo patuloy na nagsusulat para maibahagi ang mga karanasan ng aking buhay na sana sa pamamagitan nito may magising na sa mahimbing na pagkakatulog sa kahapon. kung masakit na karanasan ang dinanas mo sa iyong buhay pilit mo ito tanggapin na andyan na yan eh… di na mabubura! sa halip na isipin natin ng isipin mas mainam na gawin na lang natin ito inspirasyon na sa bawat pait ng kahapon may saya naman kapalit nito… sa pagkawala ng isa may darating na dalawa. matuto lang maghintay na hilumin ng panahon ang bawat sakit na dinadanas … trust God and have faith in Him.
Recent Comments